Nag-usap kahapon sa Ankara sina Pangulong Recep Tayyip Erdogan ng Turkey at dumadalaw na Kalihim John Kerry ng Estado ng Amerika.
Sumang-ayon ang dalawang panig sa pagbabahagi ng mga impormasyon para magtulungan sa paglaban sa mga teroristikong organisasyon sa Gitnang Silangan.
Nang araw ring iyon, ipinatalastas naman ni Punong Ministro Haider al-Abadi ng Iraq na lalahok ang Pransya sa air raid laban sa Islamic State. Ayon kay Abadi, ito ay pangakong ginawa ni Pangulong Francois Hollande ng Pransya sa panahon ng kanyang pagdalaw sa Iraq.