|
||||||||
|
||
SUPORTADO ng 13 mga senador ang Bangsamoro Basic Law. Ito ang ibinalita ni Senate President Franklin M. Drilon na higit sa kalahati ng mga kasapi ng mataas na kapulungan ang lumagda bilang co-author ng panukalang batas. Apat na kasapi ng minorya ang sumama sa mayorya, dagdag pa ni Senate President Drilon.
Ibinalita ni Senador Drilon na ang minorya, sa pansamantalang nasa liderato ni Senador Vicente Sotto III, ay lumagda na bilang kapwa may-akda sa panukalang batas.
Ang panukalang batas ay nakatakdang pag-usapan sa sesyon ngayon at ipadadala sa Senate Committee on Local Governance sa pamumuno ni Senador Ferdinand Romualdez Marcos, Jr. at sa Senate Committee on Peace, Unification and Reconciliation sa pamumuno ni Senador Teofisto Guingona III.
Ani Senador Drilon walang kinikilalang partido ang mga naghahangad ng kapayapaan. Isang magandang pagkakataon itong makita ang pag-kakaisa ng mga mambababatas sa paghahangad ng kapayapaan sa pamamagitan ng pagtatatag ng bagong Bangsamoro political entity.
Maliban kay Senador Sotto, ang mga nasa minoryang lumagda ay sina Senador Nancy Binay, JV Ejercito at Gregorio Honasan III. Sa panig ng mayorya, lumagda sina Senate Pro-Tempore Ralph Rector, Senate Majority Leader Allan peter Caytano, Senador Loren Legarda, Senador Teofisto Guingona III, Senador Francis Escudero. Senador Bam Aquino, Senador Sonny Angara at Senador Piya Cayetano.
© China Radio International.CRI. All Rights Reserved. 16A Shijingshan Road, Beijing, China. 100040 |