|
||||||||
|
||
Dumalo sa seremonya ng pagbubukas ang mga mataas na lider mula sa Tsina, Singapore, Kambodya, Laos, Myanmar, Biyetnam, at Thailand, at mga kinatawan mula sa mga iba pang bansang ASEAN.
Ang konstruksyon ng 21st Century Maritime Silk Road ay tema ng kasalukuyang ekspo. Kaugnay nito, ipinahayag ni Pangalawang Premyer Zhang Gaoli ng Tsina na para ibayo pang pasulungin ang relasyong Sino-ASEAN, dapat palalimin ng iba't ibang panig ang pagtitiwalaang pulitikal, pataasin ang kalidad at lebel ng China ASEAN Free Trade Area, palakasin ang konstruksyon ng connectivity, isagawa ang kooperasyong pandagat, pasulungin ang kooperasyon ng mga subrehiyon, at dagdagan ang pagpapalitan ng mga mamamayan.
2,330 eksibitor ang kalahok sa kasalukuyang CAEXPO. Kabilang dito, 1,259 ang galing sa sampung bansang ASEAN, at mga bansa sa labas ng rehiyong ito.
Salin: Liu Kai
© China Radio International.CRI. All Rights Reserved. 16A Shijingshan Road, Beijing, China. 100040 |