|
||||||||
|
||
Sa isang news briefing na idinaos kahapon, ipinahayag ni Yukiya Amano, Pangkalahatang Kalihim ng International Atomic Energy Agency (IAEA), na kailangang pumasok at gumawa ng pagsusuri ang IAEA sa Parchin Military Base ng Iran para maliwanagan ang mga isyung may kinalaman sa pagdedebelop ng sandatang nuklear.
Winika ito ni Amano bilang tugon sa pananalita ni Hussain Dahagan, Ministrong Pandepensa ng Iran. Naunang sinabi ni Hussain Dahagan na binuksan na dati ng Iran ang Parchin Base sa mga personahe ng IAEA bago ang taong 2005, at hindi na ito bubuksan pang muli sa hinaharap.
Ipinahayag ni Amano na para maliwanagan ang mga may kinalamang isyu sa planong nuklear ng Iran, karapat-dapat muling pumasok sa nasabing base ang IAEA. Sa kasalukuyan, nakikipagkoordina na ang kanyang organisayon sa panig ng Iran sa isyung ito, dagdag pa niya.
Ipinahayag din ni Amano, na ayon sa mga litratong kinuha ng satellite, mula noong Pebrero, nagkaroon ng bagong aksyon sa Parchin Base. Pero, palagiang pinabubulaanan ng Iran ang nasabing pananalita at iginigiit na ang nasabing proyektong nuklear ay naglalayon lamang na lumikha ng koryente at para sa gawaing medikal.
© China Radio International.CRI. All Rights Reserved. 16A Shijingshan Road, Beijing, China. 100040 |