Sa kanyang pagdalaw sa Sri Lanka, nagpalabas ngayong araw si Pangulong Xi Jinping ng Tsina ng artikulo sa Daily News ng nasabing bansa.
Anang artikulo, sinabi ni Xi na palagiang malusog at matatag na umuunlad ang relasyon ng Tsina at Sri Lanka, at ito ay nagsisilbing modelo ng mainam na pakikipamuhayan, may mutuwal na kapakanan, at may win-win situation sa pagitan ng malaki at maliit na bansa. Nitong nakalipas na 10 taon, lumaki ng mahigit 10 ulit ang bilateral na kalakalan ng dalawang bansa. Ang Tsina anang artikulo ay naging ika-2 pinakamalaking katuwang na pangkalakalan ng Sri Lanka at ika-2 pinakamalaking bansang pinagmumulan ng puhunan ng Sri Lanka.
Ayon pa sa artikulo, itinatag ng Tsina at Sri Lanka noong 2013 ang estratehikong partnership ng pagtutulong-tulong sa isa't isa at hene-henerasyong pagkakaibigan, at ito ay palatandaan ng pagpasok ng relasyon ng dalawang bansa sa bagong yugto. Ani Xi, umaasa siyang malalim na makikipagpapalitan ng palagay kay Pangulong Mahinda Rajapakse, at sa iba pang mga lider at tauhan ng iba't ibang sirkulo ng bansa, hinggil sa bilateral na relasyon at mga isyung kapwa pinahahalagahan ng Tsina at Sri Lanka. Ito ay para mapalakas ang estratehikong partnership, at magkasamang umunlad at lumikha ng masaganang hinaharap ang dalawang bansa.
Salin: Andrea