Sa Nanning, kabisera ng Rehiyong Awtonomo ng Guangxi, Tsina-Binuksan dito kahapon ang Ika-11 CAExpo at Summit ng Komersyo at Pamumuhunan ng Tsina at ASEAN. Ipinahayag ng mga kalahok na puno ng dalawang panig na ang ASEAN ay hindi lamang masusing lagusan ng Maritime Silk Road sa kasaysayan, kundi magiging sentro rin ito ng nasabing lagusan sa hinaharap. Ipinahayag nila ang pag-asang hihigpit pa ang pagtutulungan ng Tsina at ASEAN sa karagatan at gagawing bagong batayan ang nasabing silk road sa bilateral na relasyon ng dalawang panig.