Sa Ika-2 Porum hinggil sa kooperasyon, paglilipat at inobasyon sa teknolohiya sa Ika-11 CAExpo na idinaos kahapon sa Nanning, Rehiyong Awtonomo ng Guangxi, ipinahayag ni Cao Jianlin, Pangalawang Ministro ng Siyensiya at Teknolohiya ng Tsina, na naging mabunga ang isinasagawang China-ASEAN Scientific and Technical Program. Aniya pa, sa hinaharap pabibilisin ng Tsina at ASEAN ang pagtatayo ng network sa kooperasyong pansiyensiya at panteknolohiya sa agrikultura at pasusulungin ang kooperasyon sa new energy at renewable energy.