Sa Porum ng mga Punong Mahistrado ng Tsina at ASEAN na idinaos kahapon sa Nanning, Tsina, pinagtibay ng mga kalahok ang deklarasyong nagbibigay-diin sa pagpapalakas ng Tsina at mga bansang ASEAN ng pagpapalitan ng karanasan at pagbabahagi ng impormasyon hinggil sa repormang hudisyal. Anang deklarasyon, ito ay para mapataas ang pangkalahatang lebel ng katarungan ng rehiyong ito.
Tinukoy din ng deklarasyong kailangang palalimin ng Tsina at mga bansang ASEAN ang repormang hudisyal at pabutihin ang sistemang hudisyal, para mapalakas ang prinsipyong "rule of law" sa pamumuhunan at konstruksyon ng malayang sonang pangkalakalan.
Salin: Liu Kai