Hinggil sa CRIHinggil sa Serbisyo Filipino
   

"Products with Passion" mabibili sa Philippine Pavillion ng Ika-11 CAEXPO

(GMT+08:00) 2014-09-18 10:40:23       CRI

Doris Gacho

Mula Golden Decade, ang kooperasyon ng Tsina at ASEAN ay umuunlad patungo sa Diamond Decade. Ang ikalabing-isang taon ng pagdaraos ng China ASEAN Expo (CAEXPO) ay nagdudulot ng bagong pagkakataon para sa mga negosyante mula sa sampung bansang ASEAN na mapasok ang malaking pamilihang Tsino.

Para sa Pilipinas, ang nakalipas na sampung taon nang paglahok sa CAEXPO ay naging mabunga para sa sektor ng pagkain.

Beso

Fruits of Life

Trans Ocean

Ayon kay Doris Gacho ng Center for International Trade Expositions and Missions (CITEM) sa 24 na kumpanyang kasama sa delegasyon ng Pilipinas ngayong taon, apat ang matagumpay na nakapagluluwas ng mga produkto sa Tsina. Ang mga ito ay ang mga calamansi at dalandan juice ng Beso Trading, buco juice at spanish sardines ng Fruits of Life Inc., crab paste, burong hipon at dalag ng Navarro Foods at ang mga condiments, minatamis at noodles ng Trans Ocean Food Products.

Tulad ng mga manufacturers na ito, hangad din ng iba pang mga Pilipinong exhibitors ang makahanap ng local distributor na magbebenta ng kanilang mga produkto.

"Products with Passion" paliwanag ni Gacho sa tema ngayong taon, "it speaks, it comes from the soul." Kabilang sa mga produktong Pinoy na sumasalamin sa damdaming ito ay mga handicrafts, personal care products, pagkain, damit at sapatos.

Benelco

Sa VIP tour kamakalawa, natawag ang pansin nina Liu Zhiyong, Opisyal ng Guangxi at Undersecretary Nora Terrado ng mga naka display sa booth Benelco. Kwento ni Gacho, ang Benelco ay ilang beses nang sumali sa CAEXPO. Ang mga handicrafts ng Benelco ay mula sa waste materials at likha ng mga kababaihan sa kanayunan. Ang industriya ay lumikha ng pagkakataon para sila ay kumita. Sa tulong ng Benelco ay nagkatrabaho ang maraming taong mahihirap na lalawigan ng Rizal.

Siyam na porsyento ng mga kliyente ng CITEM ay Small and Medium Enterprises. At hinihimok ng CITEM ang mga maliliit na negosyanteng ito na lumahok sa plataporma na tulad ng CAEXPO para makahanap ng mga pangmatagalang business partners nav Tsino magpapalago ng kanilang negosyo.

Ulat ni Machelle Ramos kasama si Ernest Wang

May Kinalamang Babasahin
Comments
Nagbabagang Paksa
Kompetisyon ng Talento at Kakayahan para sa mga Tagasubaybay sa Buong Daigdig
Pinakahuling Balita
Napiling Artikulo
SMS sa CRI sa 09212572397
6391853476XX: Gusto ko lang mag-hello sa paborito kong istasyon sa SW--ang China Radio International at sa lahat ng announcers ng Filipino Service. Nasa tabi niyo ako lagi.
6392199353XX: Salamat sa Gabi ng Musika at Pop China at sa buong Serbisyo Filipino. Solved ako sa mga padala ninyong CD at DVD ng Chinese Artists.
92041552XX: Happy Easter sa buong staff ng Filipino Service!
6392092449XX: Inspirado ako ngayong makinig sa inyong transmission dahil maganda lagi ang quality ng signal. Thank you for communicating with me via SMS.
6391658006XX: Hello CRI! I would like to give a reception report of CRI Serbisyo Filipino on July 29, 1130-1200 UTC at 12.110 MgHz shortwave listening from Clark, Angeles City, Pampanga. Sinpo: 55443. Lagi akong sumasali sa inyong pakontes at laging akong makikinig. Hope my report would be acknowledged by QSL card. Salamat.
More>>