Sa panahon ng kanyang pagdalaw sa Indya, nagpalabas kahapon si Pangulong Xi Jinping ng Tsina ng artikulo sa dalawang pahayagan ng bansang ito, at nagharap siya ng ideyang "magkasamang lumikha ang Tsina at Indya ng 'siglo ng Asya'."
Kaugnay nito, ipinalalagay ni Sun Shihai, Puno ng Chinese Association For South Asian Studies, na ang naturang ideye ni Pangulong Xi ay angkop sa kalagayang mabilis ang pag-unlad ng kapwa Tsina at Indya, at mainam ang kooperasyon ng dalawang bansa. Aniya, ipinakikita rin nitong ang magkasamang pagsisikap ng Tsina at Indya para sa komong kasaganaan ay makakatulong sa pag-ahon ng Asya.
Sinabi naman ni Zhou Gang, dating Embahador ng Tsina sa Indya, na para magkasamang lumikha ng "siglo ng Asya," kailangang palalimin ng Tsina at Indya ang pagtitiwalaan, at lutasin ang mga umiiral na isyu ng dalawang bansa. Ipinalalagay din niyang sa pamamagitan ng sariling pag-unlad, pasusulungin ng Tsina at Indya ang sustenableng pag-unlad ng kabuhayan ng buong Asya, at ito ay esensya ng magkasamang paglikha ng "siglo ng Asya."
Salin: Liu Kai