|
||||||||
|
||
Nagtagpo kagabi sa Hong Kong sina Leung Chun-ying, Punong Ehekutibo ng Espesyal na Rehiyong Administratibo ng Hong Kong (HKSAR), at Lee Hsien Loong, dumadalaw na Punong Ministro ng Singapore. Nagpalitan sila ng kuru-kuro hinggil sa mga paksang kapuwa nila pinahahalagahan.
Sinabi ni Leung na mahigpit ang relasyong pangkabuhaya't pangkalakalan ng Hong Kong at Singapore, at may madalas na pagpapalitan at pagtutulungan din sa mga aspektong gaya ng edukasyon, kultura at turismo.
Aniya pa, umaasang patuloy na kakatig ang Singapore sa paglalagda ng Hong Kong at ASEAN ng kasunduan sa malayang sonang pangkalakalan sa lalong madaling panahon, para magkasamang mapasulong ang pag-unlad ng kooperasyong pangkabuhaya't pangkalakalan ng rehiyong ito.
Salin: Vera
© China Radio International.CRI. All Rights Reserved. 16A Shijingshan Road, Beijing, China. 100040 |