|
||||||||
|
||
Sa paanyaya ng Komisyon ng Suliraning Pandaigdig ng India, nagtalumpati sa New Delhi ngayong araw si Pangulong Xi Jinping ng Tsina. Sinabi ni Xi na umaasa ang Tsina na magsikap kasama ng India para makapagbigay ng mas malaking ambag para sa pag-unlad ng Timog Asya.
Ipinahayag ng Pangulong Tsino na malalimang nakipagpalitan siya ng kuru-kuro kay Punong Ministro Narendra Modi tungkol sa bilateral na relasyon ng dalawang bansa at mga mahalagang isyung kapwa nila pinahahalagahan. Narating aniya ng dalawang panig ang malawakang komong palagay.
Dagdag pa niya, ang isang mapayapa, matatag, at masaganang Timog Asya ay angkop sa kapakanan ng mga bansa at mamamayan sa rehiyong ito, at ito ring angkop sa kapakanan ng Tsina. Ani Xi, nakahanda ang Tsina na palakasin ang pragmatikong pakikipagkooperasyon sa iba't-ibang bansang Timog Asyano sa mga larangang gaya ng kabuhayan at kalakalan, at kultura.
Salin: Li Feng
© China Radio International.CRI. All Rights Reserved. 16A Shijingshan Road, Beijing, China. 100040 |