Idinaos kahapon sa Nanning, Tsina, ang ika-11 Pulong ng mga Mataas na Opisyal ng China-ASEAN Expo (CAEXPO), para gawin ang maagang paghahanda para sa susunod na ekspo.
Sa pulong na ito, inisyal na itinakdang idaraos ang ika-12 CAEXPO mula ika-18 hanggang ika-21 ng Setyembre ng taong 2015, at ang Thailand ang magiging country of honor.
Ang kalakalan ng paninda, kooperasyon sa pamumuhunan, kalakalan ng serbisyo, maunlad na teknolohiya, at City of Charm ay patuloy na magiging limang pangunahing paksa ng susunod na CAEXPO. Patuloy ring aanyayahan ang guest country para sa ekspo, at isasagawa ang mga aktibidad na magtatampok sa komprehensibong kooperasyong pangkabuhayan ng rehiyong ito.