Sa panahon ng ginaganap na Ika-9 na China ASEAN Non-governmental Friendship Conference sa Chengdu, Tsina, idinaos ngayong araw ang China-ASEAN Media Forum. Lumahok sa porum ang mga kinatawan ng mga media ng Tsina at mga bansang ASEAN na gaya ng China Radio International, Pambansang Istasyon ng Telebisyon ng Kambodya, Pahayagang Lianhe Zaobao ng Singapore, Voice of Vietnam, at iba pa.
Tinalakay sa porum ang hinggil sa kung papaanong patitingkarin ng mga media ang positibong papel para itatag ang plataporma ng pagpapalitan at pagtutulungan ng Tsina at mga bansang ASEAN.