Pinagtibay kahapon ng UN Security Council ang pahayag na humihimok sa komunidad ng daigdig na palakasin ang pagkatig sa pamahalaan ng Iraq sa paglaban sa Islamic State (IS).
Pinagtibay ang pahayag na ito sa pulong ng UNSC hinggil sa kalagayan ng Iraq. Sa naturang pulong, nanawagan din sa iba't ibang bansa si Ministrong Panlabas Ibrahim Al Jaafari ng Iraq na bigyan ng tulong na militar at pangkabuhayan ang kanyang bansa para labanan ang IS.
Sinabi naman sa pulong ni Liu Jieyi, Pirmihang Kinatawan ng Tsina sa UN, na ang kasalukuyang kalagayan sa Iraq ay nagsisilbing malaking banta sa pandaigdig na kapayapaan at katiwasayan. Dapat aniya palakasin ng komunidad ng daigdig ang kooperasyon at koordinasyon, para tumulong sa pagpapabuti ng kalagayan sa Iraq.