Natapos kahapon ang biyahe ni Pangulong Xi Jinping ng Tsina sa Gitna at Timog Asya. Sa biyaheng ito, dumalo ang pangulong Tsino sa ika-14 na pulong ng Konseho ng mga Puno ng Estado ng Shanghai Cooperation Organization (SCO) sa Tajikistan, at nagsagawa rin ng dalaw-pang-estado sa Tajikistan, Maldives, Sri Lanka, at Indya.
Kaugnay nito, sinabi kahapon ni Ministrong Panlabas Wang Yi ng Tsina na mabunga ang naturang biyahe ni Pangulong Xi.
Ayon kay Wang, sa panahon ng paglahok sa pulong ng SCO, tinalakay ni Xi, kasama ng mga lider ng iba pang kasaping bansa ng SCO, ang hinggil sa pagpapalalim ng bilateral na relasyon at pagpapabilis ng pag-unlad ng organisasyong ito. Ang pagdalaw naman sa nabanggit na apat na bansa ay makakatulong sa pagpapalakas ng relasyon ng Tsina sa mga bansang ito, at magkakasamang konstruskyon ng mga bansa ng Silk Road Economic Belt at 21st Century Maritime Silk Road, para mapasulong ang kapayapaan at kasaganaan ng rehiyong ito.