Isang pagtitipon ang idinaos kahapon sa Beijing bilang paggunita sa ika-65 anibersaryo ng pagkakatatag ng Pulitikal na Konsultatibong Kapulungan ng Sambayanang Tsino(CPPCC). Sa kanyang talumpati sa pulong, binigyang diin ni Pangulong Xi Jinping ng Tsina na dapat magsikap ang CPPCC para pasulungin ang sistema ng pangangasiwa sa estado, at pataasin ang kakayahan ng pangangasiwa sa estado. Aniya, dapat nitong igiit ang reporma at inobasyon ng konsultasyong pulitikal sa teorya, sistema at praktis, palawakin ang paraan at tsanel ng demokrasya, organisahin ang mga partido at organisasyon mula sa ibat-ibang sektor ng lipunan sa magkasamang pakikisangkot sa mga suliraning pang-estado. Ito, ani Xi ay para maisakatuparan ang mabisa at malawak na demokratikong sistema ng sambayanan.