Ayon sa ulat kahapon ng Bild am Sonntag, media ng Alemanya, para sa mga pamilya ng mga Alemang biktima ng pagbagsak ng Flight MH17 ng Malaysia Airlines, mayroong di-matatalikdang responsibilidad ang pamahalaan ng Ukraine sa insidenteng ito. Kaya, isasakdal anila ang pamahalaan ng Ukraine sa European Court of Human Rights (ECHR), dahil "hindi nito isinagawa ang air control sa mapanganib na rehiyon ng bansa".
Ang target ng naturang kaso ay pamahalaan ng Ukraine at Pangulong Petro Poroshenko, samantalang ang kasong kanilang isagawa sa korte ng Ukraine na nagdulot ng 298 kamatayan. Hiniling nilang magbigay ng kompensasyon ang Ukraine sa mga biktima at ang kompensasyon para sa bawat biktima ay 1 milyong Euro.
Salin:Sarah