|
||||||||
|
||
HINILING ni Senador Francis G. Escudero kay Pangulong Benigno Simeon C. Aquino III na bigyan ng hero's burial ang namayapang Pangulong Ferdinand Edralin Marcos upang maisara na ang bahaging ito ng kasaysayan ng bansa.
Magugunitang si Pangulong Marcos ang nagdeklara ng Batas Militar noong 1972 at naakusahan ng paglabag sa mga karapatang pangtao. Ito ang pahayag ng senador sa harap ng mga taga-media na anuman ang mga akusasyon at mga paratang hindi maikakaila na naging pangulo ng bansa at marapat lamang na parangalan. Idinagdag pa ni Senador Escudero na naglingkod rin bilang kawal ang dating pangulo.
Magugunitang ang namayapang ama ni Senador Escudero, si Congressman Salvador H. Escudero III ang nag-akda ng isang resolusyon noong 2011 na humiling kay Pangulong Aquino na payagan na ang hero's burial sa dating pangulo. Halos 200 mga mambabatas ang lumagda subalit mariin itong tinanggihan ni Pangulong Aquino.
Ang anumang kahilingan ng hero's burial ay madalas makondena ng mga naging biktima ng karahasan noong diktadura.
© China Radio International.CRI. All Rights Reserved. 16A Shijingshan Road, Beijing, China. 100040 |