|
||||||||
|
||
BIBIGYAN ng isang send-off ng Armed Forces of the Philippines ang 18th Philippine Contingent to Haiti upang ipagpatuloy ang pangakong makikibahagi sa peacekeeping efforts sa dating magulong bansa.
May 157 mga kawal na binubuo ng 12 opisyal at 145 mga enlisted personnel ang pamumunuan ni Commander Aldrin Doctor na hahalili sa 17th PCH sa pamumuno ni Navy Captain Luzviminda Camacho na pawang mula sa Hukbong Dagat ng Pilipinas. Darating sila sa bansa sa Huwebes, ika-25 ng Setyembre.
Ang 18th PCH ang magbibigay ng VIP security, administrative and logistical services at magbabantay sa Force Headquarters ng UN Mission sa Haiti. Inaasahan silang maglilingkod mula anim hanggang siyam na buwan.
Nagmula noong 2004 ang pagpapadala ng mga kawal sa Haiti upang tumulong sa pagpapanatili ng kapayapaan doon. Nagkaroon ng sigalot sa politika sa Haiti at higit na lumala sa pagkakaroon ng malakas na lindol na ikinasawi ng may 220,000 mga mamamayan.
© China Radio International.CRI. All Rights Reserved. 16A Shijingshan Road, Beijing, China. 100040 |