|
||||||||
|
||
Singapore, September 23, 2014--Idinaos kahapon ng Singapore branch ng Industrial and Commercial Bank of China (ICBC) ang Kauna-unahang Pulong ng Internasyonalisasyon ng Renminbi (RMB).
Lumahok dito ang mahigit 500 tauhan ng mga bahay-kalakal at institusyong pinansyal ng Tsina, Singapore at iba pang bansa ng Timog-silangang Asya.
Sa kanyang talumpati sa pulong, sinabi ni Jiang Jianqing, ICBC Chairman of the Board na bilang awtorisadong RMB clearing bank sa Singapore, pinapasulong ngayon ng ICBC Singapore ang pagtatatag ng Real Time Gross Settlement (RTGS) at nakikipagtulungan din ito sa ICBC sa Tsina at ICBC New York para maisakatuparan ang 24-oras na real-time clearing.
Nitong nagdaang linggo, nag-isyu ang ICBC Singapore ng apat na bilyong yuan (640 million U.S. dollars) na offshore RMB bonds, pinakamalaki na bond na ini-isyu nito sapul noong 2013 nang maging awtorisadong RMB clearing bank ito sa Singapore.
Sa kasalukuyan, ang RMB ay ikalawang pinakamadalas na ginagamit na salapi sa pandaigdig na kalakalan at pinansya, ikapitong pinakamadalas na ginagamit na salapi sa pagbabayad at ika-9 na most actively traded currency sa daigdig.
Salin: Jade
© China Radio International.CRI. All Rights Reserved. 16A Shijingshan Road, Beijing, China. 100040 |