Sa ika-7 dialogue forum ng mga think tank ng Tsina at ASEAN na idinaos kamakailan, ipinahayag ni Cao Yingjie, opisyal ng Ministri ng Komersyo ng Tsina, na sa proseso ng pag-u-upgrade ng China ASEAN Free Trade Area (CAFTA), lubos na igagalang ng Tsina ang pagkakaiba ng iba't ibang bansa sa paraan ng pag-unlad, sistemang pulitikal, kahigtan sa yaman, at tradisyong kultural, at lubos ding isasaalang-alang ang mga pangangailangan at malasakit ng iba't ibang bansa.
Sinabi ni Cao na ang lohistika at pagtatayo ng malaking tsanel para sa kalakalan ay kasalukuyang mga pokus ng pag-u-upgrade ng CAFTA. Aniya, magkakasamang palalakasin ng Tsina at ASEAN ang connectivity sa dagat, pasusulungin ang kooperasyon ng kani-kanilang mga puwerto, at palalawakin ang impluwensiya ng Maritime Silk Road.
Salin: Liu Kai