|
||||||||
|
||
XINHUA, September 25—Ang Unang Sesyong Plenaryo ng Pulitikal na Konsultatibong Kapulungan ng mga Mamamayang Tsino (CPPCC), organong tagapayo ng Tsina, ay idinaos mula ika-21 hanggang ika-30 ng Setyembre, 1949.
Lumahok sa Sesyon ang mga kinatawan ng Partido Komunista ng Tsina (CPC), partidong demokratiko, samahang di-pampamahalaan, mga grupong etniko, mga tauhang walang kinikilingang partido, at overseas Chinese.
Pinagtibay sa Sesyon ang Plataporma ng CPPCC, Batas sa Organisasyon ng CPPCC at Batas sa Organisasyon ng Sentral na Pamahalaan ng Republika ng Bayan ng Tsina. Pinagtibay rin nito ang batas hinggil sa kabisera, pambansang watawat, pambansang awitin at pamamaraan ng pagtatakda ng taon. Nahalal rin sa Sesyon ang Pambansang Lupon ng CPPCC at Komite ng Sentral na Pamahalaan ng Republika ng Bayan ng Tsina. Si Mao Zedong ay naihalal bilang puno ng Sentral na Pamahalaang Bayan.
Pinagtibay rin ang Deklarasyon ng Unang Sesyong Plenaryo ng CPPCC na nagpapatalastas sa buong mundo na naitatag na ang Republika ng Bayan ng Tsina at mayroon na sariling Sentral na Pamahalaan ang mga mamamayang Tsino.
Noong unang araw ng Oktubre, 1949, ginanap sa Beijing ang seremonya ng pagbuo ng Sentral na Pamahalaang Bayan ng Republika ng Bayan ng Tsina. Solemnang ipinatalastas ni Chairman Mao ang pagtatatag ng Sentral na Pamahalaang Bayan ng Republika ng Bayan ng Tsina.
Ang pagkakatatag ng Republika ng Bayan ng Tsina ay nagpakita ng tagumpay ng pagpupunyagi ng sambayanang Tsino para sa pagsasarili ng bayan. Nagpakita rin ito ng panimula ng bagong misyon ng sambayanang Tsino para sa kasaganaan ng bansa at magkakasamang pagyaman ng mga mamamayan.
Salin: Jade
| ||||
© China Radio International.CRI. All Rights Reserved. 16A Shijingshan Road, Beijing, China. 100040 |