Ipinahayag kamakailan ni Punong Ministro Najib Razak ng Malaysia na pagkaraang bumagsak ang Flight MH17 ng Malaysia Airlines sa Ukraine, isinagawa niya ang di-regular na paraan, para kunin ang bangkay ng mga nasawi at black box ng eroplano.
Ayon sa pagsisiwalat ni Razak, ang nabanggit niyang "di-regular na paraan" ay pakikipag-ugnayan sa mga lokal na sandatahang grupo sa silangang Ukraine. Dagdag ni Razak, tumahak siya sa landas na ito, dahil hindi kaya ng pamahalaan ng Ukraine na igarantiya ang kaligtasan ng mga pandaigdig na tagapagsiyasat na papasok sa bansang ito. Hindi rin aniya naprotektahan ng pamahalaan ng Ukraine ang mga ebidensiya at bangkay sa lugar kung saan bumagsak ang naturang eroplano.
Salin: Liu Kai