|
||||||||
|
||
Sinabi kahapon ni Voltaire Gazmin, Kalihim na Pandepensa ng Pilipinas, na hinding hindi makikipagtalastasan ang pamahalaang Pilipino sa terorisikong organisasyon na kumidnap at nagbabantang pumatay sa dalawang Aleman.
Ani Gazmin, ang naturang aksyon ng Abu Sayyaf ay propaganda. Umaasa itong sa pamamagitan ng ganitong propaganda, tutugunin ng pamahalaan ang kanilang kahilingan. Hinding-hindi bibigay ang pamahalaan sa alinmang banta, aniya pa.
Ipinakikita ng larawang ini-upload ng Abu Sayyaf sa internet ang isang lalaking Caucasian na may blondeng buhok. Bukod sa ransom, hiniling ng Abu Sayyaf sa Alemanya na itigil ang pagkatig sa pagbibigay-dagok ng Amerika sa Islamic State. Ayon sa Twitter ng armadong grupo, kung hindi makakatugon ang Alemanya sa kanilang kahilingan sa loob ng 15 araw, papatayin nila ang isa sa dalawang hostage.
Salin: Vera
© China Radio International.CRI. All Rights Reserved. 16A Shijingshan Road, Beijing, China. 100040 |