Ayon sa ulat na ipinalabas kahapon ng Asian Development Bank (ADB), ipinatalastas nito ang pagpapababa sa taya ng paglaki ng kabuhayang Pilipino sa kasalukuyan at susunod na taon.
Noong unang hati ng kasalukuyang taon, lumaki ng 6% ang kabuhayang Pilipino kumpara sa gayun ding panahon ng nagdaang taon. Ito ay mas mababa kaysa 6.5% hanggang 7.5% na target ng paglaki ng kabuhayan sa buong taon na itinakda ng pamahalaan.
Tinaya ng pinakahuling ulat ng ADB na sa taong ito, aabot sa 6.2% ang bahagdan ng paglaki ng kabuhayang Pilipino, na mas mababa kaysa 6.4% na naunang tinaya ng pamahalaan.
Salin: Li Feng