|
||||||||
|
||
Isinapubliko kahapon sa Bangkok ng Asian Development Bank (ADB) ang rebisadong bersyon ng ulat hinggil sa "Prospek ng Pag-unlad ng Asya sa 2014."
Ayon sa pagtaya nito, 7.5% ang bahagdan ng paglaki ng kabuhayang Tsino sa taong ito, at 7.4% naman ang bahagdan ng paglaki nito sa susunod na taon. Tinukoy ng ADB na ang paglaki ng kabuhayang Tsino ay dahil sa malakas na pangangailangan ng konsumong panloob ng bansa, at pagbuti ng panlabas na kapaligirang pangkabuhayan.
Ipinahayag ng isang mataas na ekonomista ng ADB na magiging mas mahigpit ang relasyong pangkabuhayan at pangkalakalan ng Tsina at ASEAN, at patuloy na pasisiglahin ng Tsina ang paglaki ng kabuhayan ng mga bansang ASEAN.
Salin: Li Feng
© China Radio International.CRI. All Rights Reserved. 16A Shijingshan Road, Beijing, China. 100040 |