Sa New York, punong himpilan ng UN — Isang mataas na pulong ang idinaos kahapon ng mga kinatawan mula sa mga bansa sa rehiyong tinamaan ng Ebola virus, UN at mga kasaping bansa nito, iba't-ibang organisasyong pandaigdig para magkakasamang talakayin ang mga hakbangin ng pagharap sa naturang malaking krisis sa pampublikong kalusugan.
Sa kanyang talumpati sa pulong, ipinahayag ni Ministrong Panlabas Wang Yi ng Tsina na ang kalagayang epidemiko ng Ebola ay komong hamon na kasalukuyang kinakaharap ng buong mundo. Dapat aniyang itatag ng komunidad ng daigdig ang kompiyansa para magkakasamang harapin ang krisis na ito.
Salin: Li Feng