|
||||||||
|
||
Natapos kahapon sa New York ang ika-7 talastasan hinggil sa komprehensibong kasunduan sa isyung nuklear ng Iran. Lumahok sa talastasang ito ang Iran, Amerika, Britanya, Pransya, Rusya, Tsina, Alemanya at Unyong Europeo (EU). Sa kabila nito, hindi pa rin nila natamo ang progreso sa talastasan.
Kaugnay nito, kalungkutan ang ipinahayag ni Laurent Fabius, Ministrong Panlabas ng Pransya. Sinabi niya na patuloy na isasagawa ng naturang mga panig ang pag-uugnayan hinggil dito.
Ipinahayag naman ni Pangulong Hassan Rohani ng Iran na seryoso ang kanyang bansa sa talatasan. Umaasa aniya siyang mararating ng iba't ibang may kinalamang panig ang kasunduan sa lalong madaling panahon.
Inulit din niya na patuloy na pasusulungin ng kanyang bansa ang proyektong nuklear para sa mapayapang target.
© China Radio International.CRI. All Rights Reserved. 16A Shijingshan Road, Beijing, China. 100040 |