Sa pangkalahatang debatehan ng Ika-69 na Pangkalahatang Asemblea ng UN, ipinahayag kahapon ni Punong Ministro Narendra Modi ng India, na ipapauna ng kanyang pamahalaan ang pagpapabuti ng relasyon sa mga kapitbansa nito na kinabibilangan ng Pakistan.
Sinabi ni Modi na sa mapayapang atmospera, nakahanda ang kanyang bansa na isagawa ang mataimtim na bilateral na diyalogo sa Pakistan. Nanawagan din siya sa Pakistan na isabalikat ang sariling responsibilidad para makalikha ng isang mainam na kapaligiran ng talastasan.
Salin: Li Feng