Sa kanyang talumpati sa pangkalahatang debatehan ng Ika-69 na Pangkalahatang Asemblea ng UN, binigyang-diin kahapon ni Ministrong Panlabas Wang Yi ng Tsina na sa isyung nuklear ng Korean Peninsula, nanawagan ang Tsina sa iba't-ibang may-kinalamang panig na isagawa ang obdiyektibo at pantay na posisyon, at magkakasamang magsikap para maisakatuparan ang target ng walang-nuklear na Korean Peninsula, at maigarantiya ang kapayapaan at katatagan ng naturang rehiyon.
Dagdag ni Wang, ang Six-Party Talks ay nananatili pa ring tanging mabisang paraan para sa paglutas ng nasabing isyu. Aniya pa, ang pagpapasulong ng pagsisimula muli ng talastasang ito ay pinakamahalagang bagay sa kasalukuyan.
Salin: Li Feng