Sa kanyang talumpati kahapon sa pangkalahatang debatehan ng ika-69 na Pangkalahatang Asamblea ng United Nations (UN), ipinahayag ni Wang Yi, Ministrong Panlabas ng Tsina, na pagpasok ng taong 2000, ang Millennium Development Goals (MDG) ng UN ay gumawa ng mahalagang ambag para sa buhay at kaunlaran ng sangkatauhan, pero nananatiling mahaba pa rin ang landas ng pag-unlad ng buong mundo. Aniya, napakalaki pa rin ng tungkulin ng komunidad ng daigdig sa mga larangang gaya ng pagbabawas ng kahirapan, pagpapawi ng kagutuman, kalusugan ng mga kababaihan at kabataan, at edukasyon. Nahaharap din ito sa mga bagong hamon sa kapaligiran, pagbabago ng klima, kaligtasan ng enerhiya at yaman, at iba pang larangan.
Dagdag pa ni Wang, ipinalalagay ng Tsina na dapat tupdin ng agendang pangkaunlaran ang tatlong target: una, makakapaghatid ng benepisyo sa pamumuhay ng mga mamamayan, at gagawing nukleo ang pagpapawi ng kahirapan at pagpapasulong ng kaunlaran. Ika-2, magpapasulong ng pagbibigayan, at mangangalaga sa katarungan ng lipunan. Ika-3, ipapauna ang pagpapatupad, gagawing prinsipyong tagapagpatnubay ang pagkakaiba-iba ng modelong pangkaunlaran, at komong responsibilidad na may pagkakaiba, palalakasin ang partnership na pangkaunlaran ng buong daigdig, at pabubutihin ang paraan at mekanismo ng pagpapatupad.
Salin: Vera