Hinggil sa CRIHinggil sa Serbisyo Filipino
   

Limang araw na pagpupulong ng mga mamamahayag, sinimulan na

(GMT+08:00) 2014-09-29 19:11:24       CRI

DALAWAMPU'T ISANG MAMAMAHAYAG NG ASIA-PASIPIKO NA SA ADB.  Pormal na binati ni VP Bindu Lohani (kaliwa) ng ADB ang mga mamamahayag na dumalo sa limang araw na pagpupulong sa Punong Tanggapan ng ADB sa Mandaluyong City.  Tampok sa pagpupulong ang pagdalaw sa Tacloban sa Miyerkoles.  Aalamin kung ano ang nagawa upang makabangon ang Tacloban City na hinagupit ng bagyong Yolanda noong isang taon.  (ADB Photo)

SINIMULAN kaninang umaga ang limang araw na pagpupulong ng mga mamamahayag na itinataguyod ng Asian Development Bank hinggil sa development reporting.

Sa kanyang pananalita, sinabi ni Bindu N. Lohani, Vice President ng Knowledge Management and Sustainable Development ng ADB, na nakikita na ang lumalawak na ang agwat ng mayayaman sa mahihirap. Kailangang magkaroon ng pagsusuri sa mga palatuntunang ipinatutupad upang mabawasan ang agwat ng mga mamamayan.

Sa pagkakaroon ng kaunlarang natamo sa nakalipas na ilang taon, nagkaroon din ng kaakibat na suliranin sa larangan ng kalikasan. Kailangang magkaroon ng maayos at pinag-isang pagkilos.

Pagsapit ng taong 2050, aabot sa 52% ng pandaigdigang Gross Domestic Product ang magmumula sa Asia. Ngayon ay umaabot pa lamang sa 28% ng GDP ng daigdig ang mula sa rehiyon.

Kailangang magkaroon ng kakayahan ang mga pinuno ng rehiyong gumawa ng mga napapanahon at mahahalagang desisyon upang matugunan ang pangangailangan ng mga mamamayan.

Ang pinakamalaking hamon sa ngayon ay ang pagsugpo sa kahirapan sa pagkakaroon ng inclusive growth na nararapat maging kaaya-aya sa kapaligiran.

Bukod sa mga mamamahayag mula sa Pilipinas, dumadalo rin ang mga media practitioner ng Azerbaijan, Bangladesh, Fiji, People's Republic of China, India, Indonesia, Myanmar, Pakistan, Thailand at Vietnam.

Matatampok sa pagpupulong na ito ang pagdalaw sa Tacloban City sa darating na Miyerkoles at Huwebes upang masaksihan ang mga nagaganap na pagbabago matapos hagupitin ng bagyong "Haiyan" noong ika-walo ng Nobyembre, 2013 na ikinasabi ng higit sa 6,000 katao.

May Kinalamang Babasahin
Comments
Nagbabagang Paksa
Kompetisyon ng Talento at Kakayahan para sa mga Tagasubaybay sa Buong Daigdig
Pinakahuling Balita
Napiling Artikulo
SMS sa CRI sa 09212572397
6391853476XX: Gusto ko lang mag-hello sa paborito kong istasyon sa SW--ang China Radio International at sa lahat ng announcers ng Filipino Service. Nasa tabi niyo ako lagi.
6392199353XX: Salamat sa Gabi ng Musika at Pop China at sa buong Serbisyo Filipino. Solved ako sa mga padala ninyong CD at DVD ng Chinese Artists.
92041552XX: Happy Easter sa buong staff ng Filipino Service!
6392092449XX: Inspirado ako ngayong makinig sa inyong transmission dahil maganda lagi ang quality ng signal. Thank you for communicating with me via SMS.
6391658006XX: Hello CRI! I would like to give a reception report of CRI Serbisyo Filipino on July 29, 1130-1200 UTC at 12.110 MgHz shortwave listening from Clark, Angeles City, Pampanga. Sinpo: 55443. Lagi akong sumasali sa inyong pakontes at laging akong makikinig. Hope my report would be acknowledged by QSL card. Salamat.
More>>