|
||||||||
|
||
Ayon sa Xinhua News Agency, opisyal na sinimulan ngayong araw sa Palawan ng Armed Forces of the Philippines (AFP) at United States Armed Forces (USAF) ang combined amphibious landing exercise para sa taong 2014.
Ayon sa AFP, di-kukulangin sa 1,200 sundalong Pilipino at 3,500 sundalong Amerikano ang lumahok sa naturang pagsasanay. Tatagal hanggang ika-10 ng susunod na buwan ang pagsasanay na ito.
Ayon naman sa isang pahayag na ipinalabas ng Embahadang Amerikano sa Pilipinas, ang layon ng pagsasanay ay tulungan ang tropang Pilipino sa pagpapataas ng lebel ng ekwipment at kakayahan ng Pilipinas sa pangangalaga ng seguridad sa dagat at kabuuan ng teritoryo ng bansa.
Salin: Li Feng
© China Radio International.CRI. All Rights Reserved. 16A Shijingshan Road, Beijing, China. 100040 |