Isang resepsyong bilang pagdiriwang sa ika-65 anibersaryo ng pagkakatatag ng Republikang Bayan ng Tsina ang magkasamang inihandog kahapon sa Great Hall of the People, Beijing ng General Office of CPPCC, United Front Work Department ng Central Committee ng CPC, Office of Overseas Chinese Affairs under the State Council, Office of HongKong at Macao Affairs under the State Council, at Office of Taiwan Affairs under the State Council.
Dumalo sa pagtitipong ito si Yu Zhengsheng, Pirmihang Kagawad ng Pulitburo ng Komite Sentral ng CPC at Tagapangulo ng CPPCC, kasama ng mga personahe mula sa loob at labas ng bansa.
Ipinahayag ni Yu na noong taong 1949, naitatag ang Republikang Bayan ng Tsina, at lumikha ito ng bagong panimula ng nasyong Tsino sa kaunlarang pangkasaysayan. Sinabi niyang matapos nitong itatag ang bagong Tsina, lalo na matapos isagawa ang reporma at pagbubukas ng bansa sa labas, nagtamo ang Tsina ng walang katulad na tagumpay sa ilalim ng pamumuno ng Partido Komunista ng Tsina at batay sa pagsisikap ng lahat ng mga mamamayang Tsino. Sinabi niyang pagkaraan ng Ika-18 Pambansang Kongreso ng CPC, nagkakaisa ang mga mamamayang Tsino sa pamumuno ng Komite Sentral ng CPC kasama si Xi Jinping, bilang Pangkalahatang Kalihim nito, iginigiit ang sosyalismong direksyong pangkaunlarang may katangiang Tsino, komprehensibong pinapalalim ang reporma, pinapasulong ang malusog at sustenableng pag-unlad ng kabuhayan at lipunan, pinapalawak ang landscape ng sosyalismong usaping may katangiang Tsino, at tinatahak ang landas para maisakatuparan ang dakilang kasiglaan ng nasyong Tsino.
Tinukoy ni Yu na matapos nitong maisaktuparan ang pagbalik ng HK at Macao sa inang bayan, nagkaroon ang Tsina ng tagumpay sa pagsasagawa ng patakarang isang bansa, dalawang sistema, at natamo nito hindi lamang ang suporta mula sa mga mamamayang Tsinong kinabibilangan ng mga taga-HK at taga-Macao, kundi pagkaka-unawa rin mula sa komunidad ng daigdig. Ipinahayag niyang buong tatag na igigiit ng pamahalaang sentral ang naturang patakaran, at bibigyang-suporta, tulad ng dati, ang pamahalaan ng HKSAR at MacaoSAR sa pagsasagawa ng administrasyon alinsunod sa saligang batas, pakikipagtulungan at pakikipagpalitan nito sa mainland sa ibat-ibang larangan, at komprehensibong pag-unlad ng lipunan ng HK at Macao para maisakatuparan ang kanilang mas magandang hinaharap.
Binigyang diin din ni Yu na ang ibayo pang pagpapasulong ng mapayapang pag-unlad ng kaugnayan sa pagitan ng magkabilang pampang ng Taiwan Straits at pagsasakatuparan ng reunipikasyon ng inang bayan ay nagsisilbing komong mithiin ng buong nasyong Tsino. Sinabi niyang sa mula't mula pa'y gumaganap ang mga Overseas Chinese ng masusing papel sa pagpapasulong ng kaunlaran at mapayapang reunipikasyon ng inang bayan, at pagpapalakas ng mapagkaibigang pagtutulungan sa mga mamamayang mula sa ibat-ibang bansa. Aniya, igigiit ng pamahalaang Tsino ang ideyang pagbibigay-galang sa buhay, at pangangailangan ng mga mamamayan, pangangalagaan alinsunod sa batas ang lehitimong interes ng mga Overseas Chinese, at magsisikap ito, kasama ng mga Overseas Chinese para pasulungin ang pambansang modernong konstruksyon at maisakatuparan ang mapayapang reunipikasyon ng inang bayan.