|
||||||||
|
||
BEIJING--Bilang pagdiriwang sa ika-65 anibersaryo ng pagkakatatag ng Republika ng Bayan ng Tsina, isang resepsyon ang inihandog kagabi ng pamahalaang Tsino.
Sa kanyang talumpati sa resepsyon, sinabi ni Pangulong Xi Jinping ng Tsina na sa kabila ng mga natamong bunga ng Tsina sa pag-unlad nitong 65 taong nakalipas, mananatili pa ring mahaba ang landas at mabigat ang tungkulin para sa sambayanang Tsino upang maisakatuparan ang komong pagyaman at kasaganaan ng lahat ng 1.3 bilyong mamamayang Tsino.
Pagdating sa pag-unlad ng Tsina sa hinaharap, iniharap ni Pangulong Xi ang mga sumusunod na mungkahi. Una, dapat paunahin ang pambansang kaunlaran at pagkakaisa. Pangalawa, dapat patuloy na pasulungin ang reporma at inobasyon. Pangatlo, dapat buong-higpit na manangan sa landas ng mapayapang pag-unlad. Pang-apat, bilang naghaharing partido, dapat pahigpitin ng Partido Komunista ng Tsina (CPC), ang self-discipline para taos-pusong makapagsilbi para sa sambayanang Tsino.
Mahigit 3,000 personahe mula sa loob at labas ng Tsina ang dumalo sa resepsyon.
Si Xi habang nagtatalumpati sa resepsyon, sa ngalan ng CPC Central Committee at Konseho ng Estado, Gabinete ng Tsina
Mga batang Tsino may hawak ng pambansang watawat ng Tsina
Pambansang watawat na gawa ng mga magsasaka gamit ang iba't ibang butil
Mga estudyante, tangan ang pambansang watawat at sign boards na nangangahulugang "Mabuhay, Inang-Bayan."
Salin: Jade
| ||||
© China Radio International.CRI. All Rights Reserved. 16A Shijingshan Road, Beijing, China. 100040 |