Sa kanyang pananatili sa Rusya, nakipag-usap kahapon ni Ri Su Yong, Ministrong Panlabas ng Hilagang Korea sa kanyang counterpart na Ruso na si Sergey Lavrov. Inulit ng magkabilang panig na nakahanda silang ibayo pang paunlarin ang kanilang relasyong bilateral sa iba't ibang larangan at umaasang lalampas sa mahigit 1 bilyong dolyares ang kabuuang bolyum ng kalakalan nila sa taong 2020.
Ang isyung nuklear ng Korean Peninsula ay nananatiling pangunahing paksang tinalakay ng dalawang panig. Sinabi ni Lavrov na bagama't mahirap, nananatiling posible ang pagpapanumbalik sa Six Party Talks.