|
||||||||
|
||
Si Jen Psaki
Ipinatalastas kahapon ng Pamahalaang Amerikano na kasalukuyang isinasagawa ng kanyang bansa ang mga hakbangin para kanselahin ang bahaging arms ban sa Biyetnam na tumagal na ng 30 taon.
Sa isang regular na news briefing, sinabi ni Jen Psaki, Tagapagsalita ng Kagawaran ng Estado ng Estados Unidos, na sa pagtatagpo nang araw ring iyon nina John Kerry, Kalihim ng Estado ng Amerika, at Pham Binh Minh, dumadalaw na Pangalawang Punong Ministro at Ministrong Panlabas ng Biyetnam, sinabi ng una na isinasagawa ng Estados Unidos ang mga hakbangin para "mapahintulutan ang paghahatid ng mga kagamitang pandepensa na may-kinalaman sa seguridad ng dagat sa Biyetnam sa hinaharap."
Salin: Li Feng
© China Radio International.CRI. All Rights Reserved. 16A Shijingshan Road, Beijing, China. 100040 |