Kahapon, pagkatapos ng seremoniya ng pagpipinid ng Inchon Asian Games, nakipagtagpo si Chung Hongwon, Punong Ministro ng Timog Korea, sa delegasyon ng mga mataas na opsiyal ng Hilagang Korea na kinabibilangan nina Hwang Pyong So, Vice Chairman of National Defense Commission (NDC) ng H.Korea; Choe Ryong Hae, puno ng National Sports Steering Committee; at Kim Yang-gon, Sentral na Kalihim ng Korean Workers Party(KWP).
Nang araw rin iyon, idinaos ang pag-uusap ang naturang delegasyon ng H.Korea at mga mataas na opisyal ng T.Korea. Sinang-ayunan ng H.Korea na idaos ang ikalawang pag-uusap sa mataas na antas ng Timog at Hilagang Korea sa panahon mula sa katapusang ng buwang ito hanggang unang dako ng susunod na buwan.
Kahapon ipinalabas ni Ban Ki Moon, Pangkalahatang Kalihim ng UN, ang pahayag na nagsasabing winewelkam ang naturang pagtatagpo ng mga opisyal ng Timog at Hilagang Korea. Umaasa siyang patuloy na magsisikap ang naturang dalawang panig para isakatuparan ang walang nuklear na Korean Penisula.