|
||||||||
|
||
Ayon sa alertong pambalita na ipinalabas kahapon ng Piracy Reporting Center ng International Maritime Bureau, nawalan ng pakikipag-ugnayan sa labas ang isang oil tanker ng Biyetnam na may lulang langis pagkaraang lumisan ng puwerto ng Singapore, at posibleng nahaydyakin ito ng mga pirata.
Nanawagan ang nasabing sentro sa lahat ng mga bapor na dumaan sa rehiyong ito na bigyang-pansin ang naturang oil tanker, at agarang ipaalam sa kanila kung matuklasan ang nawawalang bapor.
Ayon sa media ng Biyetnam, humingi ng tulong sa awtoridad ng Malaysia at Indonesia ang awtoridad ng Biyetnam. Sinabi naman ng opisyal na ahensiya ng balita ng Biyetnam na ang naturang oil tanker ay may sakay na 5226 toneladang langis at 18 tauhan.
Salin: Vera
© China Radio International.CRI. All Rights Reserved. 16A Shijingshan Road, Beijing, China. 100040 |