Idinaos kahapon sa Tokyo ang pulong ng mga Ministrong Panlabas at Ministro ng Tanggulang Pambansa ng Hapon at Amerika, at pagkaraan nito, ipinalabas nila ang ulat hinggil sa bagong pagsusog ng kanilang defense cooperation guidelines.
Ayon sa ulat, isasaalang-alang ng bagong guidelines ang pagpapalawak ng saklaw ng Japan Self-Defence Forces (JSDF), batay sa may kinalamang resolusyon ng gabinete ng Hapon noong Hulyo. At ibayo pang palalakasin ang alyansa ng dalawang bansa sa larangang militar.
Ayon pa sa ulat, isasagawa ng Hapon at Amerika ang walang tigil na kooperasyon sa peacekeeping sa dagat, information-gathering, surveillance and early warning, pagsasanay at iba pa.
Inalis ng ulat na ito ang salitang "suliranin sa paligid," sa halip, tinukoy nito ang kooperasyon ng Hapon at Amerika sa buong mundo. Pasusulungin nila ang pakikipagkooperasyon sa iba pang bansa sa seguridad.
salin:wle