Inulit kahapon ng pamahalaan ng Espesyal na Rehiyong Administratibo ng HongKong(HKSAR) na ang pagpapasulong ng sistemang pulitikal ng HKSAR alinsunod sa Saligang Batas ay mga suliraning panloob ng HK. Umaasa itong magbibigay-galang ang mga bansang dayuhan sa nasabing prinsipyo.
Anito, sa isang resolusyong pinagtibay ng National People's Congress(NPC) ng Tsina noong ika-30 ng Agusto, susuportahan ng pamahalaang sentral ang pagsasagawa ng reperendum sa paghalal ng bagong Punong Ehekutibo ng HKSAR, mula taong 2017, at isasapubliko ng pamahalaan ng HKSAR ang mga kongkretong paraan hinggil dito sa nalalapit na hinaharap.