Hinggil sa CRIHinggil sa Serbisyo Filipino
   

Diplomasya ni Pangulong Xi sa mata ng mga dalubhasa: Bagong ideya ng diplomasiya ng Tsina sa Amerika

(GMT+08:00) 2014-10-09 16:17:13       CRI

Sapul nang manungkulan si Xi Jinping bilang Pangulo ng bansa, nagiging mas aktibo ang patakarang panlabas ng Tsina, partikular na sa aspekto ng pangangalaga sa soberanya ng Tsina. Tungkol dito, ipinalalagay ng Estados Unidos na nagiging mas makapangyarihan ang diplomasiya ng Tsina. Pagkaraang ipatalastas noong Nobyembre ng 2013 ng Tsina ang pagtatatag ng Air Defense Identification Zone (ADIZ) sa East China Sea, lumakas ang pessimistic attitude sa loob ng Amerika hinggil sa relasyong Sino-Amerikano, at nagiging mas matigas ang patakaran ng Amerika sa South China Sea. Ngunit, kung mataimtim na aanalisahin ang mga talumpating binigkas ni Pangulong Xi Jinping ng Tsina sa iba't-ibang mahalagang okasyong pandiplomasiya sapul nang pagtatagpo nina Xi at Pangulong Barack Obama sa Sunnylands noong Hunyo ng nagdaang taon, walang pagbabago sa direksyon ng patakarang panlabas ng Tsina, ibig sabihin, patuloy na iginigiit ng Tsina ang pagtahak sa landas ng mapayapang pag-unlad. Tungkol naman ng patakaran ng Tsina sa Amerika, nagtataguyod at nagsisikap pa rin ang Tsina sa pagtatatag ng bagong relasyon ng malalaking bansang Tsino at Amerikano.

Kaugnay ng kung paanong itatatag ang naturang relasyon, nilagom ni Pangulong Xi ang tatlong punto. Una, huwag isagawa ang sagupaan at komprontasyon. Dahil sa kasalukuyang kalagayan ng kawalan ng pagtitiwalaan ng dalawang bansa, nanawagan ang Tsina na dapat gamitin ang iba't-ibang uri ng tsanel para mapalalim ang paguunawaan at pagtitiwalaang estratehiko ng dalawang bansa; Ikalawa, dapat igalang ng dalawang bansa ang isa't isa. Ang pinakamahalagang nilalaman nito ay dapat igalang ang nukleong kapakanan at mahalagang pagkabahala ng isa't isa; Ikatlo, dapat isagawa ang kooperasyon para maisakatuparan ang win-win situation. Ito ay mahalagang kondisyon para sa pagtatatag ng bagong relasyon ng malalaking bansa.

Sa aspekto ng paglutas sa isyu ng kasalukuyang di-balanseng kalakalang Sino-Amerikano, binigyang-diin ng Tsina na kailangang isagawa ng Amerika ang pagsasaayos sa sariling patakaran at estrukturang pangkabuhayan na kinabibilangan ng pagkansela sa iba't-ibang limitasyon sa pagluluwas sa Tsina. Sa aspekto ng pagpapalakas ng pagpapalitan ng dalawang hukbo, ipinahayag ng Tsina ang kahandaang patuloy na palakasin ang diyalogo at pagpapalitan ng dalawang hukbo sa iba't-ibang larangan at antas.

May Kinalamang Babasahin
Comments
Nagbabagang Paksa
Kompetisyon ng Talento at Kakayahan para sa mga Tagasubaybay sa Buong Daigdig
Pinakahuling Balita
Napiling Artikulo
SMS sa CRI sa 09212572397
6391853476XX: Gusto ko lang mag-hello sa paborito kong istasyon sa SW--ang China Radio International at sa lahat ng announcers ng Filipino Service. Nasa tabi niyo ako lagi.
6392199353XX: Salamat sa Gabi ng Musika at Pop China at sa buong Serbisyo Filipino. Solved ako sa mga padala ninyong CD at DVD ng Chinese Artists.
92041552XX: Happy Easter sa buong staff ng Filipino Service!
6392092449XX: Inspirado ako ngayong makinig sa inyong transmission dahil maganda lagi ang quality ng signal. Thank you for communicating with me via SMS.
6391658006XX: Hello CRI! I would like to give a reception report of CRI Serbisyo Filipino on July 29, 1130-1200 UTC at 12.110 MgHz shortwave listening from Clark, Angeles City, Pampanga. Sinpo: 55443. Lagi akong sumasali sa inyong pakontes at laging akong makikinig. Hope my report would be acknowledged by QSL card. Salamat.
More>>