Dong Fang Hong No.1
Noong dekada 50 at 60, alinsunod sa disisyon ng Komite Sentral ng CPC, isinabalikat ng Akademiya ng Siyensiya ng Tsina(CAS) ang tungkuling pag-aaral, pagdisenyo at paggawa ng man-made satellite. Noong ika-24 ng Abril, 1970, matagumpay na inilunsad ng Tsina ang kauna-unahang satellite na may tawag na "Dong Fang Hong No.1."
Bilang nukleong bahagi ng pinakamaunlad na teknolohiyang pansiyensiya at pandepensa, ang matagumpay na paggawa at paglulunsad ng Tsina ng Atomic bomb, hydrogen bomb at satellite ay nagsisilbing hindi lamang dakilang tagumpay sa modernisasyong pandepensa, kundi sagisag din sa pag-unlad ng modernong siyensiya at teknolohiya ng bansa.
Matapos ang pagpapatupad ng naturang target, gumawa ng namumukod na ambag ang mga taong kinabibilangan ng mga siyentista, manggagawa, at ilang mga tauhang nag-alay ng buhay para sa proyektong ito.