Sa paanyaya ni Chancellor Angela Merkel ng Alemanya, dumating ng Berlin kahapon ng hapon (local time) si Premyer Li Keqiang ng Tsina para pasimulan ang kanyang opisyal na pagdalaw sa Alemanya.
Sa panahon ng pagdalaw, makikipagtagpo ang Premyer Tsino kay Pangulong Joachim Gauck ng Alemanya, at magkasamang pangunguluhan nila ni Merkel ang Ika-3 Round ng Pagsasanggunian ng Pamahalaang Tsino at Aleman. Bukod dito, magkahiwalay siyang dadalo sa Porum ng Kooperasyong Pangkabuhayan at Panteknolohiya ng Tsina at Alemanya, at dadalo rin sa Hamburg Summit ng Porum ng Tsina at Europa.
Salin: Li Feng