|
||||||||
|
||
Berlin, Alemanya--Magkasamang nangulo dito kahapon sina dumadalaw na Premyer Li Keqiang ng Tsina at Chancellor Angela Merkel ng Alemanya sa ikatlong round ng pagsasanggunian ng mga pamahalaan ng dalawang bansa.
Sinang-ayunan ng dalawang lider na batay sa komprehensibong estratehikong partnership ng Tsina at Alemanya, palalalimin ang pagtitiwalaang pulitikal ng dalawang bansa, at palalawakin ang bilateral na relasyon.
Ipinasiya rin nilang ipagpatuloy ang pag-uugnayan at pagtutulungan ng Tsina at Alemanya sa diplomasya, patakarang panseguridad, isyung pandepensa, at iba pang aspekto.
Pagkatapos ng pagsasanggunian, ipinalabas ng dalawang bansa ang action plan para sa kooperasyon, kung saan itinakda ang information technology, paggawa ng electric car, agrikultura, at serbisyong medikal, bilang mga pangunahing aspekto ng kooperasyon ng dalawang bansa.
© China Radio International.CRI. All Rights Reserved. 16A Shijingshan Road, Beijing, China. 100040 |