Idinaos kamakalawa at kahapon sa Nanning ang ikatlong pulong ng working group ng Tsina at Biyetnam para sa pagsasanggunian hinggil sa magkasamang paggagalugad sa dagat.
Lumahok sa pulong ang mga opisyal na Tsino at Biyetnames mula sa mga departamento ng suliraning panlabas, tanggulan, pagpaplano sa kabuhayan, agrikultura, suliraning pandagat, enerhiya, at iba pa.
Nagpalitan ng palagay ang dalawang panig hinggil sa mga isyung may kinalaman sa magkasamang paggagalugad sa dagat. Sinang-ayunan din nilang ibayo pang pasulungin ang gawaing ito.