Nang kapanayamin kamakailan ng media, sinabi ni Qu Xing, Puno ng China Institute of International Studies, na sapul nang manungkulan bilang pangulo ng bansa, ipinalabas ni Xi Jinping ang mga bagong ideya at patakaran sa diplomasya, na gaya ng pag-uugnayan ng China Dream at World Dream, pagpapahalaga sa relasyon ng mga suliraning panloob at panlabas, sabay-sabay na pagpapaunlad ng relasyon sa mga malalaking bansa, mga kapitbansa, at mga umuunlad na bansa, at mas aktibong paglahok sa mga mainitang isyu ng daigdig.
Ipinalalagay ni Qu na ang naturang mga bagong ideya at patakaran ay nagpalawak ng espasyo ng diplomasya ng Tsina. Ito aniya ay makakatulong sa paghawak ng mga masalimuot na isyung pandaigdig, at pagsasamantala ng mga pagkakataong pangkaunlaran.