Ayon sa outlook hinggil sa kabuhayang panrehiyon ng Asya-Pasipiko na ipinalabas kahapon ng International Monetary Fund, bagama't bumagal ang paglaki ng kabuhayan ng Asya-Pasipiko noong unang hati ng taong ito, matatag pa rin ang prospek ng kabuhayan ng rehiyong ito.
Tinaya ng nabanggit na dokumento na aabot sa 5.5% ang paglaki ng kabuhayang Asyano sa taong ito, at 5.6% naman sa susunod na taon. Pero anito pa, ang paglala ng geopolitical conflicts ay nagsisilbing banta sa kabuhayan ng rehiyong ito.