Nagpulong kahapon ang ika-69 na General Assembly ng UN (UNGA) hinggil sa epidemiya ng Ebola. Kapwa sinabi nina Pangalawang Pangkalahatang Kalihim Jan Eliasson ng UN at Pangulong Sam Kutesa ng UNGA, na kasunod ng pagkakaroon ng mga may-sakit ng Ebola sa Amerika at Espanya, posibleng maging pandaigdig na krisis ang sakit na ito. Nanawagan sila sa iba't ibang panig na palakasin ang mga tulong bilang paglaban sa Ebola.
Sinabi ni Eliasson na gusto ng UN na mangalap ng isang bilyong Dolyares para sa paglaban sa epidemiya ng Ebola, pero sangkaapat lamang ang nakuha sa kasalukuyan. Aniya pa, kailangang kailangan ang mga espesyalista sa mga lugar na apektado ng epidemiya.
Nanawagan naman si Kutesa sa mga kasaping bansa ng UN na tupdin ang kani-kanilang mga pangako hinggil sa pagbibigay-tulong sa paglaban sa Ebola.